Anihan ng palay sa Cabanatuan apektado ng Bagyong Karding

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 07:18 AM

Watch more on iWantTFC

Apektado ang ilang bukirin ng palay sa Cabanatuan, Nueva Ecija matapos ang pananalanta ni Bagyong Karding. 

Sa paunang ulat, dapat sana ay anihan na ng palay nang dumating ang bagyo. 

Una nang nagsabi ang lokal na pamahalaan na anihin ang palay nang maaga dahil sa paparating na unos, pero hindi ito sinunod ng ilang magsasaka dahil pasibol pa lang ang palay. 

Simula 9 p.m. ng Linggo, hinagupit na ng malakas na ulan at hangin ang Cabanatuan. Nawalan ng kuryente sa lugar matapos magbagsakan ang mga poste ng kuryente. 

May 81 pamilyang Dumagat sa Gabaldon at 102 pamilya sa Cabanatuan ang inilikas bago pa tumama ang bagyo.