MMDA pinaghahandaan na ang Christmas rush | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMDA pinaghahandaan na ang Christmas rush

ABS-CBN News
Published Sep 23, 2022 11:43 AM PHT
|
Updated Sep 23, 2022 05:30 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA (UPDATE) -- Puspusan na ang preparasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa inaasahang Christmas rush o pagdagsa ng mga tao sa mga mall ngayong pasko, lalo na't mas maluwag na ang protocols ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, nasa 10 hanggang 15 porsiyento na ang dagdag sa volume ng traffic ang nakikita nila.

Sa ngayon, nasa 400,000 sasakyan kada araw na ang bumabaybay sa mga kalsada ng Metro Manila.

Tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa ng clearing operations ng ahensya lalo na sa mga mabuhay lanes.

ADVERTISEMENT
Ani Dimayuga, kakausapin din ng MMDA ang mall operators kaugnay sa mag sale, operating hours at oras ng delivery ng mga ito.

"Kakausapin po natin sila na ang mga sale bawal na po on a weekday. Pagkatapos po yung kanilang operating hours if they can extend it para hindi po narurush ang tao."

"And sa tingin ko yung deliveries isa pa po bagay yan. Kung pwede po yung deliveries ay ma extend din po or sa gabi na lang po gawin ang kanilang deliveries," dagdag pa ng opisyal.

Plano ng LTFRB na magbukas ng mahigit 50 pang ruta ng bus at jeepney na dating dumadaan sa EDSA at nakansela simula nang magkaroon ng EDSA Busway.

Tulad ng biyaheng NAIA hanggang San Jose Del Monte, posibleng busan na ulit, pero sa Quezon Avenue na ito dadaan.

"Yung additional routes po ng ating city bus routes, utility vehicle service at saka puj service nasa final deliberation stage na po," ani LTFRB Executive Director Atty. Robert Peig.

Plano na ring magdagdag ng 50 bus sa EDSA busway at maglalagay na rin ng mga tent at portable toilets sa mga istasyon.

--TeleRadyo, 23 Setyembre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT