Bagsak presyong gulay, isda ibebenta ng Agriculture Department sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Bagsak presyong gulay, isda ibebenta ng Agriculture Department sa Maynila

ABS-CBN News
Published Sep 21, 2018 10:09 AM PHT
|
Updated Jan 09, 2020 03:50 PM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA - Binuksan ng Department of Agriculture ang isang "Vegetable Festival" sa San Andres, Biyernes, kung saan mabibili ng bagsak presyo ang mga gulay at isda.

Higit kalahati ang presyo ng mga gulay at isda na inilatag sa Bureau of Plant Industry (BPI) compound sa Maynila kumpara sa merkado, sabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa isang panayam sa Umagang Kay Ganda.

Mas mababa ang presyo dito dahil sinagot ng gobyerno ang transportation cost ng mga paninda mula Central Luzon at Mindanao, sabi ni Piñol.

Ang siling labuyo na nasa P900/kilo sa mga palengke ay ibinebenta lamang sa halagang P300/kilo sa "Vegetable Festival" habang ang tilapia na P100/kilo sa palengke ay mabibili ng P80/kilo.

"Ito na 'yung magiging drop off point nung mga papasok na pagkain galing probinsya," sabi ni Piñol.

"From here, magkakaroon na tayo ng distribution system papunta sa mga 'malasakit store' na itatayo natin sa highly-populated areas tulad ng Tondo, Baseco, at iba pa," dagdag niya.

Ang mga magsasakang lumahok sa 2 araw na bagsak presyong pamilihan ng Department of Agriculture ay ipapakilala sa mga market vendors association, home owners association, at mga procurement officers ng supermarkets.

"Sasabihin ng mamimili anong gulay ang kailangan nila, anong volume on a weekly basis, at magkakasundo sila sa presyo," sabi ni Piñol.

"Kapag nagkaron tayo ng agreement between the producers and the buyers then we will be able to sustain these," dagdag niya.