PANOORIN: Suspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

PANOORIN: Suspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting

PANOORIN: Suspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 12, 2023 09:15 PM PHT

Clipboard

PANOORIN: Suspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagtamo ng mga sugat sa braso ang isang pulis matapos saksakin gamit ang gunting ng isang umano'y magnanakaw sa Barangay San Bartolome sa Quezon City, alas dos y medya ng madaling araw Lunes.

Ayon kay PLt. Col Jerry Castillo, hepe ng QCPD Station 4, rumesponde sila sa lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa isang singkwenta anyos na babae, hinggil sa tangkang panloloob ng suspek na si alyas "Jay" sa kanyang bahay.

"Ang report na nakuha natin meron na isang lalaki na armed with knife or bladed weapon na andon sa bubong ng kanyang bahay at nagising siya nung marinig niya na may parang bumabaklas sa kanyang bubungan. So nung paglabas niya nakita niya may isang tao doon na may bladed weapon," ani Castillo.

uspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting
uspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting
uspek nahuli sa bubong ng bahay, pulis sinaksak ng gunting

Sa cellphone video ng pulisya, makikitang naabutan ng mga tauhan ng PNP ang suspek habang nasa bubong ng bahay ng biktima.

ADVERTISEMENT

Binutas at nasira pa nito ang malaking bahagi ng bubong gamit ang isang gunting na may habang sampung pulgada.

"Sinubukan nating i-pacify, kinausap na kung pwede sumuko na siya nang maayos." dagdag pa ni Castillo.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek ngunit sa halip na sumuko ay sinaksak pa nito ang isa sa mga pulis na kinilalang si Patrolman Mark Jayson Morralos.

Doon na napilitang magpaputok ang isa sa mga kasamahan nitong pulis kung saan tinamaan sa balikat ang suspek.

"Pagdating pa lang natin doon sa area napaka unruly na siya, nagsisigaw, naghahamon ng patayan. So kinausap natin na kung pwede sumuko siya nang maayos kaya lang bigla siyang nilusob yung kapulisan natin at dito nga nasaksak si Patrolman Morralos. Gusto niya rin saksakin yung isang pulis natin, buti mabilis at nabaril itong suspek." paliwanag ni Castillo.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang lalaki at nasa stable condition, samantalang nakalabas na ng pagamutan si Patrolman Morralos.

Nanawagan naman ang QPCD Station 4 sa mga posibleng naging biktima pa ng suspek na makipagugnayan sa kanila.

Mahaharap ang suspek sa mga reklamong attempted robbery, alarm and scandal, at direct assault.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.