COVID-19 ward ng Rizal Provincial Hospital System sa Binangonan, full capacity na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 ward ng Rizal Provincial Hospital System sa Binangonan, full capacity na

COVID-19 ward ng Rizal Provincial Hospital System sa Binangonan, full capacity na

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tulad ng ilang mga ospital, nagdeklara na rin ng full capacity ang COVID-19 ward ng Rizal Provincial Hospital System sa Binangonan, Rizal.

Kilala rin ito sa pangalang: Margarito Duavit Memorial Hospital, isa sa mga pampublikong ospital sa Binangonan.

Batay sa abiso na kanilang inilabas sa kanilang official social media pages, pansamantala muna silang hindi tatanggap ng mga COVID patients dahil wala nang bakanteng slot.

Puno rin sa kanilang emergency area dahil pansamantalang nananatili doon ang mga pasyenteng nasa kritikal na kalagayan at naghihintay ma-admit sa mga wards.

ADVERTISEMENT

Ihihinto rin nila simula ngayong araw ang pagtanggap ng mga out patients na magpapacheck up.

Inaabisuhan nila lahat ng mga karaniwang nagpapatingin sa nasabing ospital na abangan na lamang sa kanilang official social media pages kung may mga bago silang iaanunsyo hinggil sa bed capacity at iba pa.

Sa ngayon ay nasa 638 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Binangonan Rizal, batay sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan.

ABS-CBN TeleRadyo, September 6, 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.