Pagkontrata ng Comelec sa F2 Logistics, 'nakakaduda': Namfrel | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkontrata ng Comelec sa F2 Logistics, 'nakakaduda': Namfrel

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2021 02:26 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Tila may conflict of interest ang pag-award ng Commission on Elections en banc ng P1.61-bilyong kontrata sa F2 Logistics Philippines para mag hatid ng election materials at iba pang paraphernalia para Mayo 2022 halalan.

Ang F2 Logistics ay pag-aari umano ng negosyanteng si Dennis Uy, isa sa pinakamalaking naging campaign contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

“Parang meron (conflict of interest) kasi kung campaign contributor mo tapos bibigyan mo ng bilyong-bilyong pisong kontrata, parang kabayaran doon sa contribution mo. Nakakaduda, parang ‘di maganda sa delicadeza na lang,” pahayag ni dating Comelec Commissioner at ngayo'y chairman ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) Gus Lagman.

“Yung logistics, ibig sabihin sila magde-deliver kung anumang equipment na gagamitin sa election—mga materyales, mga balota— lahat 'yan ide-deliver sa buong bansa. Kung ikaw ang may hawak ng kontratang 'yun medyo malaki ang trabahong 'yun,” sabi ni Lagman.

Sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng umaga, sinabi ni Lagman na matagal nang nangyayari ang ganitong gawain.

“Ordinaryong nangyayari 'yan pero hindi pa rin maganda. Hindi nangangahulugan dahil ordinaryo, ginagawa ng iba, ay tama,” sabi niya.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang Kontra Daya hinggil dito at sinabing “patently unethical” ang naturang partnership sa pagitan ng Comelec at F2 Logistics.

Samantala, tuloy ang paghahanda ng Namfrel sa magiging papel nito sa halalan sa susunod na taon.

Sabi ni Lagman na hindi na tulad ng dati na binabantayan ng Namfrel ang bawat presinto.
Sabi ni Lagman na hindi na tulad ng dati na binabantayan ng Namfrel ang bawat presinto.
ADVERTISEMENT
“Ang ginawa namin ay ang tinatawag na random manual audit pero 'yun, nangyayari pagkatapos ng election,” sabi ni Lagman.

Ang Comelec umano ang mamimili ng mga presinto na isasailalim nila sa random manual audit.

“Binibilang 'yan manually tapos kinukumpara namin sa naging bilang ng makina, at gagawin namin uit 'yan ngayon,” sabi niya.

- TeleRadyo 28 Agosto 2021
Read More:
Namfrel
F2 Logistics
Commission on Elections
Halalan 2022
Philippine National elections
Philippine 2022 elections
Gus Lagman
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT