300 taga-Masbate lumikas mula sa sinkhole na iniwan ng lindol: alkalde | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
300 taga-Masbate lumikas mula sa sinkhole na iniwan ng lindol: alkalde

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2020 09:18 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi na makakabalik sa kanilang mga tahanan ang nasa 300 katao sa isang sitio sa Cataingan, Masbate matapos mag-iwan ng sinkhole ang malakas na lindol na yumanig sa probinsya at mga karatig-lugar higit isang linggo na ang nakaraan, sabi ng alkalde ng bayan, Biyernes.

Apektado ng sinkhole ang isang sitio sa tabing-dagat sa Barangay Matayong, ani Cataingan Mayor Felipe Cabataña.

“Ngayong bumagsak ang lupa, pumasok na ang tubig-dagat sa mga kabahayan kaya may order na kami na permanently, iwanan, lisanin na iyong lugar,” aniya sa panayam ng DZMM.

“‘Pag low tide medyo bumababa ang tubig, pero andoon pa rin, hindi nawawalan ng tubig,” dagdag ng alkalde.
“‘Pag low tide medyo bumababa ang tubig, pero andoon pa rin, hindi nawawalan ng tubig,” dagdag ng alkalde.
ADVERTISEMENT
Nakikipag-negosasyon pa aniya ang lokal na pamahalaan para mabili ang lupang paglilipatan sa mga residente.

Pansamantalang nakikisilong sa isang paaralan ang mga lumikas na residenteng nakatanggap na rin ng cash mula sa social welfare department, sabi ni Cabataña.

Sa ibang bahagi aniya ng Cataingan, na epicenter ng magnitude 6.6 na lindol nitong Agosto 18, nagsimula nang bumalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan at hanapbuhay.

“Iyong epekto ng lindol, parang naibsan na ang mga tao, bumabalik na sa normal. Ang pandemic na lang, mga COVID, ang pinaghahandaan namin,” sabi ng alkalde.

Natapos na aniya ang moratorium ng probinsya sa pagbalik doon ng mga residente mula sa ibang bahagi ng bansa.

DZMM, Agosto 28, 2020
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT