4 bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa Rodriguez, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

4 bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa Rodriguez, Rizal

4 bangkay natagpuan sa loob ng kotse sa Rodriguez, Rizal

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Apat na bangkay ang natagpuan sa loob ng isang kotse sa bulubunduking bahagi ng Rodriguez, Rizal Lunes ng umaga, Agosto 22.

Ayon kay Police Lt. Col. Marcelino Pipo, hepe ng Rodriguez PNP, isang residente ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon na may nakitang mga bangkay ng tao sa loob ng isang kotse sa ng Barangay Macabud alas 5 ng umaga.

Nagduda umano ang residente dahil hindi nila kilala ang sasakyan, kaya ng ilang oras pa na hindi ito umaalis, naglakas-loob ito na silipin ang loob ng sasakyan at dito na nakita ang apat na katawan na hindi na gumagalaw.

Dalawang lalaki at dalawang babae ito.

ADVERTISEMENT

Agad naman na tumawag ng SOCO ang PNP at ito na nakumpirma na apat nga ang laman ng sasakyan.

May mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima, karamihan sa ulo ayon sa PNP. Pero walang bakas ng dugo sa sasakyan kaya posibleng hindi ito sa sasakyan binaril.

Tantiya ng PNP edad 60 anyos ang isa sa mga biktimang lalaki, nasa edad 50 anyos ang isa sa kanila, habang ang dalawang natitira ay nasa 30 anyos.

May nakuha pang apat na pirasong pinaghihinalaang shabu sa loob ng sasakyan.

Walang makuhang gamit maging mga identification card sa katawan ng mga bangkay, pero may tattoo ang mga ito sa katawan, ayon sa PNP.

May isa nang nagpakilalang kamag-anak ng isa sa mga biktima at kinukunan na ng salaysay ng mga awtoridad.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.