Biglaang pagsasara ng kolehiyo sa Quezon City ikinadismaya ng mga magulang | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biglaang pagsasara ng kolehiyo sa Quezon City ikinadismaya ng mga magulang

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2022 08:46 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2022 10:39 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Imbes na naka-uniform, nakasuot ng itim ang mga estudyante sa Colegio de San Lorenzo sa Quezon City. Noong Biyernes, kumalat ang impormasyon sa mga chat group ng mga estudyante't magulang na magsasara na ang "San Lo."

Kinumpirma ito ng pamunuan ng eskwelahan sa isang General Assembly nitong Lunes, na ikinadismaya ng mga magulang.

"Nagwo-worry na po kami, wala na kaming oras para maghanap ng school, wala na kmi ng Oras maghanap ng pera para sa school kung di nila ire-refund ang binayad namin," ani "Mommy Aj".

"Para sa akin scam talaga, they took our money tapos ganito?" ani "Tatay Dindo".

ADVERTISEMENT
Kabilang sa mga napasugod sa "San Lo" kanina si "Mommy Josie". Aniya, P100,000 na ang ibinayad niya sa eskwelahan para ma-enroll ang dalawang anak sa grade school.

"Grabe napaka frustrating nito stressful nito para sa aming mga magulang ... meron naman schools sa QC ... na nagsara pero 'di naman abrupt," aniya. "Eto bigla bigla!"

Humarap sa mga magulang at sa media si Dr. Ariel Manlusoc, dean ng College of Criminology at tagapagsalita mula sa faculty. Pinansyal umano ang dahilan ng kanilang biglaang pagsasara.

"As per their lawyers the permanent closure will effect in September, meaning to say the students will have a month to do things necessary, especially the students."

Dagdag pa ni Manlusoc, binebenta na rin ang lupang kinatatayuan ng eskwelahan.
Dagdag pa ni Manlusoc, binebenta na rin ang lupang kinatatayuan ng eskwelahan.
ADVERTISEMENT
"I think may ka transaction na sa land, pero operating pa ito as school dahil di pa nabebenta ang school," aniya.

Tiniyak ni Manlusoc na walang dapat ipangamba ang mga magulang sa isyu ng refund.

"We assure the parents those who will transfer will get the full refund of their fees."

Tiniyak ng pamunuan ng eskwelahan na makatatanggap ng karampatang separation pay ang mga guro at kawani na mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo.

"They will be giving the separation pay. Everyone will receive a separation pay plus the remaining month," ani Manlusoc.

Hangad ng mga magulang na pumasok na sa isyu ang Department of Education at Commission on Higher Education para maplantsa nang maayos ang isyu sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo lalu't umpisa na ng pasukan.—Ulat ni Zyann Ambrosio. TV Patrol, Lunes, 15 Agosto 2022

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Colegio de San Lorenzo
Quezon City
school closure
education
higher education
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT