Mga pasahero ng LRT-1, nagkagulo dahil sa 'usok' na naamoy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasahero ng LRT-1, nagkagulo dahil sa 'usok' na naamoy

Mga pasahero ng LRT-1, nagkagulo dahil sa 'usok' na naamoy

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 02, 2017 01:26 AM PHT

Clipboard

Mga pasahero ng LRT-1, nagkagulo dahil sa 'usok' na naamoy
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagkagulo ang ilang pasahero ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) bago mag-alas-8 Martes ng umaga nang huminto ang isang tren dahil sa pagpihit ng emergency lever malapit sa Monumento Station.

Kuwento ni Rod Bulario, operations director ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), may naamoy ang isang pasahero na umuusok na wiring, kaya sa panic ng pasahero, hinila niya ang emergency lever kaya bumukas ang pinto.

Ang emergency lever o button ay ang mga nakapuwesto sa taas ng pintuan ng bawat bagon. Ginagamit ito sakaling kailangang pahintuin ang tren kapag may matinding sakuna.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nangyari.

ADVERTISEMENT

Ayon sa LRMC, ilan lang sa 44 na Generation 1 na bagon ang tren na tumigil.

Patuloy din umano ang kanilang pag-rehabilitate sa natitirang Generation 1 vehicles. Isinantabi na rin nila ang 20 sa orihinal na 64 dahil hindi na mapapakinabangan.

Lumalabas din na problema sa pinto, sa aircon, pati na sa brakes o air compressor ang kadalasang sira ng mga lumang bagon.

Panawagan ng LRMC sa publiko ang pasensiya, habang tinatrabaho ang pagsasaayos ng tren.

--Ulat ni Miguel Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.