Parojinog, haligi ng Kuratong Baleleng, inarmasan noon ng militar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Parojinog, haligi ng Kuratong Baleleng, inarmasan noon ng militar

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2017 09:09 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2017 10:33 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa nakalipas na limang dekada, nabuhay sa kontrobersiya at karahasan ang mga Parojinog ng Ozamiz.

Noong dekada 60, itinatag sa tulong ng militar ang 'Kuratong Baleleng' na pinamumunuan ni Octavio "Ongkoy" Parojinog, Sr, ama ng napatay na Ozamiz mayor na si Reynaldo "Aldong" Parojinog Sr.

Security guard sa isang logging company sa Mindanao noon si Ongkoy na naging epektibong lider laban sa mga rebeldeng Moro.

Nang natapos ang giyera sa Mindanao, ginamit naman ng militar ang Kuratong Baleleng bilang anti-New People's Army (NPA) group.

ADVERTISEMENT
Binigyan sila ng matataas na kalibre ng baril.

Naging epektibo sila sa pagpapababa ng bilang ng NPA sa lugar.

Pero kalaunan, ginamit ng Kuratong Baleleng ang kanilang armas para kumita sa pamamagitan ng panghoholdap at maging sa kidnap-for-ransom.

Hanggang sa binuwag na sila ng militar.
Hanggang sa binuwag na sila ng militar.
Dahil wanted na para sa iba't ibang krimen, napatay ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya si Ongkoy noong 1990.

Sa panahong iyon, naging malaking grupo na ang Kuratong Baleleng.

Tinukoy rin ang mga anak ni Ongkoy na sina Aldong, Renato, at Ricardo na sangkot sa grupo. Inaresto sila noon pero naabsuwelto sa mga kaso.

Napatay naman si Renato ng mga kalabang paksiyon sa loob ng Kuratong Baleleng.

Minsan nang dinokumento ng mamamahayag na si Earl Parreño ang kuwento ng Kuratong Baleleng at mga Parojinog.

Ayon kay Parreño, napatay at nahuli man ang mga Parojinog, kailangan pa ring bantayan ng mga awtoridad ang iba pang bumubuo ng Kuratong Baleleng na naghihintay lang umano sa ibang lider nito para humaliling pinuno sa sindikato.

-- Ulat ni Henry Omaga Diaz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Henry Omaga Diaz
Ozamiz
balita
Ozamiz city
raid
Parojinog family
war on drugs
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT