Lubak na mga kalsada sa Maynila, dumarami | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lubak na mga kalsada sa Maynila, dumarami

Lubak na mga kalsada sa Maynila, dumarami

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2021 07:29 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Dumami ang lubak sa kalsada sa lungsod ng Maynila at sa karatig pang mga lugar sa Metro Manila dahil sa mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Apektado ang maraming pangunahing kalsada kabilang ang bahagi ng Taft Avenue, Quirino Avenue, Padre Burgos at Roxas Boulevard.

Iba-iba ang laki ng mga butas sa mga kalsada. Mayroon pang mga butas na malalim at magkakalapit.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Delikado ang mga lubak sa kalsada sa mga motorista lalo na sa mga nagmomotorsiklo dahil maaari itong magdulot ng aksidente. Ito rin ay nagdudulot ng pagbagal sa daloy ng mga sasakyan na umiiwas sa mga lubak.

ADVERTISEMENT

Maraming orange barriers na rin ang ipinakalat sa kahabaan ng Roxas Boulevard pero maraming orange cones ang natumba na.

Sa ibang mga kalsada gaya sa Pasay, Quezon City ay meron din mga potholes o mga lubak sa daan.

Sa social media post naman ni Metropolitan Manila Development Authority EDSA Traffic chief Bong Nebrija, sinabi niyang mag-ingat sa mga potholes sa EDSA. Wala aniyang magagawang pag-aayos hangga’g nandyan pa ang habagat.

- TeleRadyo 27 Hulyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.