ALAMIN: Mga tungkulin ng gobyerno sa ilalim ng anti-red tape law | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga tungkulin ng gobyerno sa ilalim ng anti-red tape law

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2019 11:35 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pinirmahan ng trade department at Anti-Red Tape Authority (ARTA) nitong nakaraang linggo ang implementing rules and regulations ng Ease of Doing Business law.

Pero paano nga ba mapapadali ng naturang batas ang pakikipagtransakyon ng publiko sa gobyerno?

Sa ilalim ng batas, kailangang aksyunan ng gobyerno sa loob ng 3 araw ang "simple" transactions, 7 araw para sa mga "complex" na transakyon at 20 araw para sa "highly technical" transactions, ani ARTA Director General Jeremiah Belgica.

Ituturing aniya na aprubado ang mga naturang transaksyon sakaling hindi ito matugunan sa loob ng mga naturang araw.
Ituturing aniya na aprubado ang mga naturang transaksyon sakaling hindi ito matugunan sa loob ng mga naturang araw.
ADVERTISEMENT
Inaatasan din ng batas ang lahat ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng "business one stop shop" at makalipas ang 3 taon ay i-automate ang kanilang business permit system, ani Belgica sa panayam ng DZMM.

Dagdag niya, kailangang iisa lang ang application form para sa kada transaksyon at hindi maaaring tumaas sa 3 ang signatories nito.

Hindi rin aniya pwedeng utusan ang mga aplikante na bumalik sa anumang tanggapan ng gobyerno para i-follow up ang kanilang transaksyon kung kumpleto naman ang mga isinumiteng requirement.

Masususpinde nang 6 na buwan ang mga kawaning lalabag sa batas sa unang pagkakataon, babala ni Belgica.

Sa ikalawang offense, mahaharap naman aniya ang mga kawani sa perpetual disqualification from public office at posible ring pagmultahin o mabilanggo.

Maaari aniyang isumbong ang mga paglabag sa hotline 8888, Facebook page ng ARTA o e-mail address nito na complaints@arta.gov.ph.

DZMM, Hulyo 25, 2019
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT