ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa araw ng SONA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga alternatibong ruta sa araw ng SONA

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Jul 18, 2022 11:07 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA -- Isang linggo bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.,nakakasa na ang latag ng Quezon City Police District (QCPD) para sa seguridad at pagsasaayos ng takbo ng trapiko sa July 25.

Dahil inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko, partikular sa Commonwealth Avenue, inaabisuhan ng awtoridad ang mga motorista na kabisaduhin na ang mga alternatibong ruta patungo ng Fairview.

Kung galing ng EDSA at papunta ng Fairview, maaaring dumaan sa North Avenue, kanan sa VIsayas Avenue at kaliwa sa Tandang Sora hanggang makarating ng Mindanao Avenue

Mula Mindanao Avenue naman, maaaring dumaan sa Quirino Highway o sa Sauyo Road patungo sa destinasyon.

ADVERTISEMENT
Kung taga-Filinvest Subdivision, Bagong Silangan at Batasan Hills naman, maaaring dumaan sa JP Rizal St. sa Marikina patungo sa Batasan-San Mateo Road papunta sa destinasyon para iwasan ang Commonwealth Avenue.

Nasa higit 5,000 security forces ang idedeploy sa araw ng SONA.

Bagamat wala namang natatanggap na banta sa seguridad. hindi umano nagpapakakampante ang pulisya, ayon kay PLtCol. Abraham Abayari.

"As of this time hindi pa natin ma-confirm o deny yung mga ganung incidents, but we’re ready for that,” aniya.

Bukas pa rin naman ang Commonwealth Avenue sa mga motorista sa July 25, pero inilatag lang ng QCPD ang mga alternatibong ruta para may mapagpilian ang mga komyuter.

--TeleRadyo, 18 July 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT