Ilang estudyante, nag-panic, nahimatay sa inakalang totoong 'pagsabog' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang estudyante, nag-panic, nahimatay sa inakalang totoong 'pagsabog'

ABS-CBN News
Published Jul 14, 2017 10:07 PM PHT
|
Updated Jul 15, 2017 12:24 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nataranta ang ilang estudyante sa isinagawang bomb drill sa Tondo, Maynila nitong Biyernes.

Uwian na ng pang-umagang klase sa Tondo High School at papasok naman ang panghapon nang sorpresang magpasabog ang Manila Police District Bomb Squad para sa isang biglaang bomb drill.

Naglabasan ang mga estudyante at saka sila sinabihan na bomb drill lang ito habang ginagabayan sa labas ng mga guro, gaya ng normal na drill na ginagawa sa eskuwelahan.

Pero dahil halos makatotohanan ang mga tagpo, may ilang nag-panic, tulad ng isang estudyanteng na hindi makahinga.
Pero dahil halos makatotohanan ang mga tagpo, may ilang nag-panic, tulad ng isang estudyanteng na hindi makahinga.
ADVERTISEMENT
Binigyan siya ng first aid at kinuha ang vital signs ng isang pulis na doktor din.

May iba pang estudyanteng hinimatay at hindi makahinga dahil sa nangyaring siksikan at nagulat sa pagsabog.

Mangiyak-ngiyak naman ang isang estudyante na nahirapang huminga na agad isinakay sa ambulansiya.

Nasundan pa ito ng tatlo pang estudyanteng babae at may inatake rin ng asthma.

Nagamit tuloy ang mga ambulansiyang props lang sana. Isinugod nito sa ospital ang mga estudyanteng kailangan lapatan ng lunas.

Dahil dito, paglabas ng School Disaster Response Team dala sa stretcher ang kunwaring duguang estudyante, wala na ang ambulansiya pati ang mga gamot na kunwaring ipapainom sa kaniya.

Nagpaliwanag naman ang eskuwelahan tungkol sa bomb drill.

“Kailangan talaga ito kasi sa likod namin ay pier. Puwede kaming atakihin ng terorista anytime,” ayon sa principal ng paaralan na si Sonny Valenzuela.

Ayon naman sa Manila Police at disaster teams, pangunahing leksiyon sa nangyaring drill ang pagpa-panic ng mga estudyante.

“Nataranta ang iba… pero ganon talaga, di maiwasan,” ani Chief Inspector John Dematera.
“Nataranta ang iba… pero ganon talaga, di maiwasan,” ani Chief Inspector John Dematera.
ADVERTISEMENT
Kasama din sa natutunan ng mga estudyante sa drill ang pagpapauna sa mga may kapansanan at ina-asthma, pero mahalaga pa rin sa lahat ay ang pagtutulungan.

Balak ng pamunuan ng paaralan na paigtingin at dagdagan ang kasanayan ng mga estudyante pagdating sa first aid response para sila mismo ay handang tumugon sa mga emergency na sitwasyon.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT