2 banyaga arestado dahil sa pag-kidnap sa Malaysian na may utang sa POGO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 banyaga arestado dahil sa pag-kidnap sa Malaysian na may utang sa POGO

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2020 07:29 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Nailigtas ng mga awtoridad ang isang Malaysian mula sa mga kidnappers niya matapos ikasa ang isang entrapment operation sa Mabalacat, Pampanga nitong Huwebes.

Arestado ang dalawang kidnappers na kinilalang sina Rano Herman, isang Indonesian, at Ong Way Plak, isang Malaysian.

Ayon kay Police Maj. Rannie Lumactod ng Anti-Kidnapping Group, casino related at POGO-related ang nangyaring pangingidnap sa biktimang kinilalang si Lee Jun Sheng na isang Malaysian national.

Magkasama sa iisang kumpanya ang biktima at mga suspek na mga POGO workers.
Magkasama sa iisang kumpanya ang biktima at mga suspek na mga POGO workers.
ADVERTISEMENT
Base sa kanilang imbestigasyon, gusto na sanang umuwi ng bansa ng biktima pero dahil sa mga utang nito sa mga suspek at sa kumpanya nito, hindi ito pinayagang makauwi at hinold muna ito. Ibinenta din umano sa ibang kumpanya ang biktima para gawing slave o alipin pero ibinalik ito sa kumpanya.

Dito na nagsimulang manghingi ng pera ang mga suspek.

Nuong May 22, 500,000 Chinese yuan, May 23, 300,000 Chinese yuan at May 24, 300,000 Chinese yuan ulit ang hiningi at lahat ito ay nabayaran ng mga kamag-anak ng biktima para umano ito sa kabayaran ng board and lodging ng biktima.

Pero nitong July ay muling nanghingi ng pera ang mga kidnappers. Nuong una ay 500,000 Chinese yuan ang hinihingi pero napababa ito sa 12,000 Chinese yuan.

Dito na lumapit sa opisina ng PNP Anti-Kidnapping Group ang representative ng Malaysian Embassy para ireport ang nangyayari sa kanilang kababayan.

Agad ikinasa ang operation sa parking area ng isang mall sa Malabanias, Angeles City.

Matapos maihatid ang ransom money ay sinenyasan na ng ransom courier ang mga operatiba at dito na nahuli ang dalawang suspek.

Nakatakas naman ang driver ng van ng mga akusado.

Sa interrogation nalaman ang lugar kung saan itinatago ng mga suspek ang biktima, na nasa isang dormitory sa Sun Valley, Angeles.

Dinala sa Camp Crame ang mga nahuling suspek. --Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News