5 arestado dahil sa ilegal na pagsusugal sa Cainta | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 arestado dahil sa ilegal na pagsusugal sa Cainta

5 arestado dahil sa ilegal na pagsusugal sa Cainta

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 28, 2023 08:22 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nahuli ng mga pulis ang limang tao na itinuturong sangkot sa ilegal na pagsusugal na tinatawag na pusoy sa Cainta, Rizal.

Alas sais y media ng gabi noong Lunes, nakatanggap ng tawag ang mga pulis dahil sa reklamong maingay ang ilang nagsusugal sa Brgy. San Andres, Cainta Rizal.

Nagsagawa muna ng surveillance ang mga pulis at nang makumpirma na may ilegal na nagsusugal sa lugar ay hinuli nila ang limang tao.

May dalawang nakatakas at pinaghahanap ngayon ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Ayon sa hepe ng Cainta Police Station na si Police Major Alfonso Saligumba III, medyo masikip ang daan sa lugar at naging hamon sa mga pulis sa paghuli sa mga sangkot.

Narekober ang mga baraha at pera na nagkakahalaga ng halos 800 pesos na hinihinalang ginamit sa pagsusugal.

Ang limang nahuli ay nakakulong ngayon sa Cainta Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang Anti-Illegal Gambling Law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.