Mga pagyanig sa Bulkang Mayon dumami: Phivolcs | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon dumami: Phivolcs

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon dumami: Phivolcs

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Binabantayan ngayon ng Phivolcs ang pagdami ng mga pagyanig sa Bulkang Mayon.

Simula Hunyo 24, tumaas na umano ang mga naitalang pagyanig sa bulkan.

Sa loob ng 24 na oras, nasa 102 na pagyanig ang naitala habang simula alas singko ng umaga hanggang alas tres ng hapon nitong Lunes may 100 pagyanig pa ang nadagdag.

Pero ayon kay Dr. Paul Alanis ang resident volcanologist ng Mayon Volcano Observatory, mga maliliit na pagyanig lamang ito kaya wala pang dapat na ikabahala.

ADVERTISEMENT

Ang tinitingnan lang nila kung magtuloy tuloy ang pagdami ng mga malalakas na pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, normal sa Mayon na nasa alert level three na magkaroon ng maraming volcanic earthquakes. Dagdag pa nila, walang dapat na ikabahala ang mga residente sa paanan ng bulkan basta nasa labas ito ng 6 kilometer permanent danger zone.

Samantala, nananatili pa rin sa evacuation centers ang mga inilikas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.