Mapinsalang paputok, madalas galing sa ibang bansa: fireworks group | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mapinsalang paputok, madalas galing sa ibang bansa: fireworks group

Mapinsalang paputok, madalas galing sa ibang bansa: fireworks group

ABS-CBN News

Clipboard

Mapinsalang paputok, madalas galing sa ibang bansa: fireworks group
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Apektado man, hindi naman mapupuruhan ang industriya ng paputok sa Pilipinas kasunod ng paglabas ng Executive Order 28 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimita sa paggamit ng paputok.

Paliwanag ni PFA president Joven Ong, natutuwa silang hindi total ban ang ipinatupad sa pyrotechnics kaya mapapayagan pa rin ang paggamit ng mga pailaw gaya ng luces at fountain.

"Tanggap po namin. Masaya pa nga po kaming marinig na mayroong natira," ani Ong sa panayam ng DZMM.

"Ang industriya dati-rati po ay ini-expect na maging total ban. Noong narinig po namin na only firecrackers ang affected at ang pailaw po ay pinapayagan, kami po ay sumaya na po na hindi total ban. Kasi 'pag total ban po, marami po talagang maapektuhan livelihood na mawawala."

ADVERTISEMENT

Binanggit din ni Ong na pangunahing maaapektuhan ng EO ang mga paputok na hindi gawang lokal at ipinupuslit lamang galing ibang bansa.

Aniya, "All these years po, hindi naiintindihan na ang nakakadulot ng pinsala talaga, karamihan po ay hindi ginawa rito at kalaban talaga ng industriya."

Tiniyak naman ni Ong na tutulong ang kanyang organisasyon sa mga firecracker manufacturer na nais lumipat sa paggawa ng mga pailaw.

DZMM TeleRadyo, 22 Hunyo 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.