ICU occupancy sa PGH ’90 percent full pa din’: spox | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

ICU occupancy sa PGH ’90 percent full pa din’: spox

ICU occupancy sa PGH ’90 percent full pa din’: spox

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Hindi pa tuluyang bumababa ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na ginagamot ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

“Sa PGH, napansin namin for the last 2 weeks hindi bumaba pero nag plateau, hindi siya tumuloy-tuloy na bumaba. Ngayon, naglalaro kami sa 125 to 130,” sabi ni Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH.

Ayon kay Del Rosario, mayroong 250 bed capacity ang PGH para sa mga COVID-19 patients.

“'Yung ICU namin, 90 percent full pa din. Hindi halos nase-zero ICU namin. Now we’re back to 90 percent occupancy namin sa ICU sa PGH po,” sabi niya sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Pero isa sa napansin nilang obserbasyon sa kanilang ospital ay ang pagkakaroon ng mas maraming COVID-19 patients na na-aadmit sa charity ward.

“Pero 'yung aming mga charity patients, medyo mataas pa rin. Hindi ko alam kung 'yun ba ay community transmission pa rin doon sa mga areas na medyo siksikan, konti lang ba ang mga nagpapabakuna sa mga areas na 'yun kaya sila ay kinakailangang i-admit. Maraming theories pero 'yun lang ang isang observation namin na the paying patients, the numbers are getting lower, pero 'yung charity patients medyo tumataas sila ng konti,” sabi niya.

Ayon kay Del Rosario, bukod sa Metro Manila, ang pagtaas ng kaso sa ibang lugar ay indikasyon na nandito pa rin ang virus.

“Hindi pa talaga totally wala 'yung COVID and there are pockets of spread so kailangan po nating mag-ingat. We’re seeing the surge sa Bicol, some parts sa Visayas. It’s really a reminder that it can happen anytime,” sabi niya.

- TeleRadyo 18 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.