Pacquiao, desididong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022: Puentevella | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao, desididong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022: Puentevella

Pacquiao, desididong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022: Puentevella

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Hindi na umano mapipigilan si Senador Manny Pacquiao na tumakbo sa pagka-Pangulo sa halalan sa 2022, sabi ngayong Lunes ng isa niyang malapit na kaibigan.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ng dating mambabatas na si Monico Puentevella na kahit isulong pa ng PDP-Laban ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Pangulo, itutuloy pa rin ng senador at boxing champ ang pagtakbo sa halalan.

“Si Senador [Pacquiao] naman, ok lang maski sino sa inyo, lalaban 'yan, kasi para sa kaniya, panahon na. Sa usapan namin, tuloy na tuloy, because para sa kanya, panahon na; hindi na niya makaya ang nakikita niyang mga kakulangan sa bayan,” ayon kay Puentevella.

Sinabi rin ng dating alkalde ng Bacolod City na mas mabuting malaman din nang maaga kung sino ang pipiliin ng PDP-Laban bilang standard bearer nito sa halalan. Si Pacquiao ang acting President ng partido.

ADVERTISEMENT

“The earlier, the better na malaman niya katotohanan sa loob. Because kung talagang iba ang pipiliin, kung hindi si Senador ang pipiliin, lalaban ito kasi para sa kanya, panahon na. Ang panindigan niya, napuno na siya, gusto na niyang magserbisyo sa tao,” sabi ni Puentevella.

Una nang sinabi ni Pacquiao na kung tatakbo siya ay sa ilalim pa rin ng PDP-Laban kahit pa may umuugong na hidwaan umano sa loob ng ruling party.

Pero kinumpirma ni Puentevella na may ilang partido na ring nanliligaw umano kay Pacquiao para lumipat ito sa kanila.

“May mga offers na sa labas. There are other parties now. May ibang partido na na, 'We will welcome him with open arms', because who will not accept a man na walang bagahe?” sabi ni Puentevella.

Sa isang eksklusibong panayam sa ABS-CBN News nitong Lunes, sinabi ni Pacquiao na dapat pagbigyan ang iba sa kabila ng panawagan ng ibang kampo na tumakbo si Duterte-Carpio upang maipagpatuloy ang nasimulan ng kaniyang ama.

- TeleRadyo 8 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.