PatrolPH

Construction worker patay matapos salpukin ng kotse

Jeff Caparas, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2022 09:13 AM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang lalaki matapos siyang mabundol ng isang kotse sa Quezon Avenue Linggo ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 4, nabundol ng kotse ang construction worker sa Roces Street, Quezon City matapos baybayin ang Quezon Avenue eastbound. 

Sunod na binangga ng kotse ang isa pang kotse at taxi na nakahinto lang sa lugar.

Ang construction worker itinakbo pa sa ospital pero dineklarang dead on arrival.

Ayon sa driver ng nakabanggang sasakya, binangga rin umano siya sa likod kaya siya nawalan ng kontrol.

Ayon sa mga nakausap natin sa Traffic Sector 4 nagkaareglo na ang driver ng nakabanggang sasakyan at pamilya ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.