ALAMIN: Bawal bang magpabakuna laban COVID kapag may sipon? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bawal bang magpabakuna laban COVID kapag may sipon?

ALAMIN: Bawal bang magpabakuna laban COVID kapag may sipon?

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Malaking bagay ang pagkakabigay ng emergency use listing ng World Health Organization (WHO) sa bakunang Sinovac kontra COVID-19.

Ayon kay infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña, ang pagkakaroon ng EUL ng Sinovac ay nangangahulugan na pwede na itong maisama sa mga bakuna sa COVAX program ng WHO.

“At malamang po, katulad ng US, sinabi nila na yung tatanggapin nilang mga bakuna for travel para makapasok sa US at mabawasan yung quarantine ay kasama yung mga WHO EUL. So yung mga pangamba ng mga tao lalo na ang ating mga minamahal na OFW pwede na silang pumasok once na may WHO EUL hindi na nila kailangang magpabakuna ng iba pang brand,” sabi ni Salvaña.


Sa segment na Bakuna Muna ng programang Kabayan sa TeleRadyo nitong Miyerkoles, tinalakay din ni Salvaña ang ibang katanungang may kaugnay sa bakuna at programang pagbabakuna ng gobyerno.

ADVERTISEMENT

ANO BALITA SA COVID-19 VARIANT NA NADETECT SA VIETNAM NA HYBRID UMANO NG UK AT INDIA STRAINS:

“Pinag-aaralan pa po, hindi pa po namin nakikita buong sequence. Ang sabi ng WHO mukhang variant from India yung B.1.617.2 na baka may karagdagan lang na mutation, wala pa namang ebidensiya na hybrid ito at wala pa ring ebidensiya na mas nakakahawa at mas nakamamatay.”

BAKIT KAILANGANG PALITAN NG TAWAG NG WHO ANG MGA VARIANTS NA-NADETECT SA IBANG BANSA:

“Yung layunin po nun ay para hindi magkaroon ng stigma yung isang variant. Yung makaka-detect nyan yung may kakayahang mag-detect. Kahit siguro ‘di galing sa kanlla pero sila ang unang naka-detect mukhang lumalabas na galing talaga sa kanila kaya ginawa nila yung sistema na yun para wala na pong stigma at hindi na po mag hesitate ang mga bansa na may kapabilidad na mag detect ng mga variants na ireport po ito.”

VACCINE HESITANCY NG MGA PINOY:

“Yung tinatawag na vaccine hesitancy naiintindihan natin na bago ito lahat, meron po talagang side effects pero kailangan din po nating tingnan kung yung side effects na yun ay nakamamatay. In general naman po lahat ng aprubado nating bakuna ay safe and effective. Meron po tayong almost 100 percent protection from severe disease and from death. Bukod pa doon hindi lang para sa iyo yung bakuna ngunit para rin sa mga tao around you dahil merong tinatawag na transmission blocking property itong ating mga bakuna.”

KUNG MAY SCHEDULE NA PARA MAGPABAKUNA PERO MAY UBO AT SIPON PWEDE BANG ITULOY ITO:

“Kung meron pong mga simptomas na pwedeng maaaring maging COVID wag po muna. kailangan po munang magpa swab tapos kahit merong COVID pag nakarecover na, naka 10 days na kung mild to moderate; kung severe 21 days at nakarecover na pwede na bakunahan. To be on the safe side, gusto natin nagbabakuna tayo ng taong wala pong ibang sintomas.”

TAMA BA NA WAG MUNANG MAG TAKE NG KAHIT ANONG PWEDENG MAGPABABA NG IMMUNE SYSTEM BAGO MAGPABAKUNA:

“In general, we want to avoid mga gamot na pwedeng makapagpababa ng immune system kasama po dito yung steroids. Yung iba gumagamit ng ivermectin, hydroxychloroquine, may epekto talaga ito sa immune system bukod sa risk na magkaroon kayo ng sakit, baka hindi gumana yung bakuna.”

MAKAKATULONG BA LABAN SA COVID ANG ANTI-PNEUMONIA VACCINE

“Recommended naman po sa above 50 years old na kumuha sila ng tinatawag na pneumococcal vaccine—dalawang klase ito yung PCV 13 followed by PPSV23. Nakakatulong po ito. Ang sinasabi lang namin wag pong sabay-sabay kasi mahirap bantayan yung side effects. Ang sinabi dati ng DOH, at least 2 weeks interval ng different vaccines.”

- TeleRadyo 2 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.