'Doble plaka' law: LTO tutok sa paggawa ng bagong license plates, hindi sa panghuhuli | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Doble plaka' law: LTO tutok sa paggawa ng bagong license plates, hindi sa panghuhuli

'Doble plaka' law: LTO tutok sa paggawa ng bagong license plates, hindi sa panghuhuli

ABS-CBN News

Clipboard

'Doble plaka' law: LTO tutok sa paggawa ng bagong license plates, hindi sa panghuhuli
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi prayoridad para sa mga awtoridad na manghuli ng mga lalabag sa "doble-plaka" law para sa mga motorsiklo, habang tinututukan nila ang paggawa sa mga bagong license plates na layong pigilin ang mga krimeng sangkot ang riding-in-tandem, sinabi ng Land Transportation Office, Biyernes.

Kararating pa lang sa bansa ng mga materyales para sa paggawa ng inisyal na 15,000 license plates, ani LTO Assistant Secretary Edgar Galvante. Nasa 7.2 milyon aniya ang rehistradong motorsiklo sa bansa

"Hangga't hindi nagpo-produce ang LTO, nakakapag-issue ng plaka, hindi naman iyon magiging batayan para sitahin ang sasakyan," sabi ni Galvante sa panayam ng DZMM.

"Hindi pa iyan (panghuhuli) ang priority natin kasi unang-una gagawin pa lang iyong plaka," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Kailangan lang aniyang magdala ng mga motorista ng certificate of registration para sa kanilang mga sasakyan.

Sa ilalim ng batas, ang mga motor ay kailangang may decal number plates na may sukat na 135 mm by 85 mm sa harapan, at plakang may sukat na 235 mm by 135 mm sa likuran, mas malaki sa mga plaka ng motor sa ngayon.

Nauna nang reklamo ng riding community ang mas malaking sukat ng plaka, dahil makaaapekto umano ito sa aerodynamics ng mga motor at maaaring matanggal ng malakas na hangin o mabilis na takbo.

Panoorin dito ang buong panayam ng DZMM kay Galvante.

DZMM, Mayo 28, 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.