PatrolPH

PANOORIN: Malakas na ulan bumuhos sa ilang bahagi ng Quezon City

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at May 24 2023 09:05 PM | Updated as of May 24 2023 10:23 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang bahagi ng Quezon City pasado alas-7 Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Ana Solis, ang chief ng climate monitoring and prediction section ng PAGASA, bunsod ang pag-ulan sa tinatawag na localized thunderstorms activity.

Nagtatagal ang mga pag-ulan ng bente minutos ayon sa PAGASA.

Asahan na ayon sa PAGASA ang mga ganitong pag-ulan lalo na sa madaling araw at gabi, dahil papalapit na ang pagpasok ng rainy season.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.