Pinay special education teacher sa Amerika, kinilala sa dedikasyon sa pagtuturo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinay special education teacher sa Amerika, kinilala sa dedikasyon sa pagtuturo

Pinay special education teacher sa Amerika, kinilala sa dedikasyon sa pagtuturo

Jaehwa Bernardo,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2022 12:20 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ginawaran ng award ang isang Filipino special education teacher sa Amerika dahil sa kaniyang nakabibilib na dedikasyon sa kaniyang pagtuturo.

Ang gurong si Ella Wagan-Nava ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng Heart of Education Award, na kinikilala ang mga natatanging guro sa Clark county schools sa Las Vegas, Nevada.

Aminado si Wagan-Nava na maraming hamon sa pagtuturo sa mga batang may special needs, lalo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan napilitan silang lumipat sa online at hybrid learning mula sa nakasanayang face-to-face classes.

"Mas gusto ko makita 'yong estudyante ko next to me than online, kasi sobrang limited 'pag online. Pero ayun nga lang, ang dami mong preparation saka parang inaasikaso mo online tapos may inaasikaso ka sa gilid," kuwento ni Wagan-Nava ukol sa hybrid learning.

ADVERTISEMENT

Pero sa kabila nito, nanaig ang dedikasyon niya sa pagnanais na matuto ang mga estudyante.

"For me, I find joy in teaching them kasi lahat ituturo mo tapos kaunting achievement lang ng bata, like, if my student imitated me verbally, sobrang laking achievement na 'yon for me," ani Wagan-Nava.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.