PatrolPH

Mga residente sa Marawi City patuloy na umaasa sa Marawi compensation bill

ABS-CBN News

Posted at May 22 2021 06:57 PM

Watch more on iWantTFC

Higit sa kalahati na ng mga imprastraktura sa Marawi City ang nakumpuni at inaasahang matatapos ang rehabilitasyon ng lungsod sa mga susunod na buwan. Ibinida ito ng Task Force Marawi sa bisperas ng ika-4 na anibersaryo ng Marawi Siege. Patuloy namang umaasa ang mga residenteng maisasabatas na ang Marawi compensation bill, para matulungan silang makabangon muli. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Sabado, 22 Mayo 2021. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.