'Akyat bahay', arestado sa Valenzuela City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Akyat bahay', arestado sa Valenzuela City

'Akyat bahay', arestado sa Valenzuela City

ABS-CBN News

Clipboard

'Akyat bahay', arestado sa Valenzuela City
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Akyat Bahay sa Valenzuela kahapon ng madaling araw.

Hindi nagising si Ferly Dela Cruz at wala ring nakaramdam sa mga pinsan niya nang sirain ang kahoy na bintana at tuluyang mabuksan ang pintuan sa bahay nila sa De Leon Street, Home Centrum Subdivision, sa Barangay Mapulang Lupa.

May hinala na si Dela Cruz kung sino ang nanloob sa kanilang bahay dahil bago mangyari ang pagnanakaw, napansin niya ang suspek na tila paikot-ikot at nagmamasid sa labas ng kanilang bahay.

Agad nagsagawa ng follow-up operations ang Valenzuela police at naaresto ang suspek na si Alferd Data malapit sa bahay ng biktima.

ADVERTISEMENT

Narekober ang dalawang cellphone, P7,000 na cash at mga ATM card ng biktima.

Todo tanggi naman ang suspek at isang alyas "Nognog Bakla" naman ang itinuturo niya na gumawa ng krimen.

Nakuha ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa suspek na aminadong gumamit nitong linggo.

Nanawagan naman ang Valenzuela police sa mga iba pang nabiktima ng suspek na magsampa ng reklamo. – Umagang kay Ganda, 19 May 2017

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.