Pag-aalaga ng baboy sa bayan ng N. Cotabato, ititigil sa June 15 para masawata ang ASF | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-aalaga ng baboy sa bayan ng N. Cotabato, ititigil sa June 15 para masawata ang ASF

Pag-aalaga ng baboy sa bayan ng N. Cotabato, ititigil sa June 15 para masawata ang ASF

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Ipinatitigil muna ang pag-aalaga ng baboy sa M'Lang, North Cotabato dahil sa banta ng African swine fever.

Ayon kay M'lang municipal agriculturist Arlene Encarnacion, hanggang Hunyo 15 na lang ang pag-aalaga ng baboy sa bayan base sa inilabas na ordinansa ng lokal na pamahalaan.

"After ng June 15, wala muna kaming baboy. Mag-disinfect muna kami," aniya sa panayam sa TeleRadyo Miyerkoles.

Isasagawa ang repopulation ng mga baboy hanggang wala ng maitalang kaso ng ASF.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Encarnacion, nagbigay na ang M'lang LGU ng nasa P15 milyon na bayad-pinsala para sa mga magbababoy na apektado ng ASF.

Higit 3,800 hog raisers ang apektado sa bayan.

Magbibigay rin aniya ang Department of Agriculture na livelihood assistance.

"Mag-venture muna tayo sa ibang mga pangkabuhayan sa bayan ng M'lang kasi malulugi rin tayo kapag ipipilit na magbuhay tayo ng mga animals natin na puwedeng ma-contaminate ng mga virus," sabi ni Encarnacion.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.