PatrolPH

P68-M halaga ng shabu nasabat sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2021 08:39 AM

Watch more on iWantTFC

Tinatayang aabot sa 68 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Moab Street, Town at Country Homes Subdivision, sa Dasmariñas City, Cavite nitong Martes.

Sa ikinasang joint operation ng mga otoridad, naaresto ang 35-anyos na si alyas Badong.

Nakumpiska sa kanya ang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 68 million pesos, 3 digital weighing scale at mga ID.

Batay sa report ng PNP, si alyas Badong ay miyembro umano ng isang drug syndicate na sangkot sa mga transaksyon na may kaugnayan sa iligal na droga sa Region 3, NCR at Mindanao.

Nahaharap si alyas Badong sa kasong palabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

ABS-CBN TeleRadyo, April 27, 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.