Sirang tubo na sanhi ng water service interruption sa Antipolo naayos na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sirang tubo na sanhi ng water service interruption sa Antipolo naayos na
Champ de Lunas,
ABS-CBN News
Published Apr 26, 2023 07:11 AM PHT

MAYNILA - Natapos na ng mga repairmen ng Manila Water ang nasirang tubo na naging sanhi ng pagkawala ng supply ng tubig at abala sa Antipolo City, Rizal.

Mahigit limang oras ang ginugol ng mga nagkukumpuni upang mapalitan ang malakas na tagas ng tubo sa F. Manalo Street sa Brgy. San Jose.

Dalawang oras nawalan ng tubig sa kalye ng F. Manalo habang pinapalitan nila ang nasirang tubo.

Pinalitan ang isang metrong HDPE pipe at nilagyan ng bagong STC fittings ang nasirang tubo.
Pinalitan ang isang metrong HDPE pipe at nilagyan ng bagong STC fittings ang nasirang tubo.
ADVERTISEMENT
Ang sanhi umano nito ang nakatukod na bato sa tubo at ang paulit ulit na pagtama nito kapag nagugulungan ng mga sasakyan.

Daanan kasi ang kinalalagayan ng tubo kaya minabuting gawin ito agad dahil nasira pa ito noong Lunes. Kung hindi daw ito ginawa, ayon sa team leader na gumawa na si Mike Gazzingan, pati ang kalidad ng daan ay maapektuhan.

“Nakapatong siya sa bato, batong buhay kaya ayun nagka-leak siya. Magvivibrate kasi 'yung pressure kaya pumapasok ng pumasok yung batong buhay ... sa pressure tsaka pag may bato. Kahit maliit na bato, 'pag naga-ground 'yung tubo, dumidikit ng dumidikit 'yung tulis ng bato," aniya.

Maliban sa pag kumpuni, nagsagawa din ng de-clog sa strainer sa kalye ang Manila Water para lumakas ang pwersa ng tubig.

Tinakpan muna ng steel plates ang bahagi ng kalye kung saan nasira ang tubo at ayon sa repairmen ng Manila Water, sesementuhan nila ito ngayong Miyerkoles ng alas 9 ng umaga.