Lasing na driver nakabangga ng SUV, motorsiklo sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lasing na driver nakabangga ng SUV, motorsiklo sa Makati

Lasing na driver nakabangga ng SUV, motorsiklo sa Makati

Nico Bagsic,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Mga basag na salamin ang sumalubong sa mga motorista Martes ng madaling araw matapos banggain ng isang SUV ang isa pang sasakyan at isang motorsiklo sa kanto ng Amorsolo Street at Arnaiz Avenue sa Makati City.

Unang binangga ng suspek na nagmamaneho ng SUV ang motorsiklo habang binabaybay nito ang kahabaan ng Amorsolo Street.

Ayon sa rider ng motorsiklo, bumaba pa ang driver at pinagmumura pa siya.

Matapos umalis sa lugar ng insidente ay nabangga naman ng isa pang SUV sa kalapit na kanto ng Arnaiz Avenue.

ADVERTISEMENT

Galing sa burol ng kaibigan ang pamilyang nakasakay nang mahagip ng minamanehong SUV ng suspek ang kanilang sasakyan na papalabas ng simbahan ng Don Bosco.

Aminado naman ang suspek na lasing siya na nagmamaneho. Papunta sana umano siya sa Skyway nang mangyari ang mga insidente.

Itinanggi naman nito na may nabangga siyang motorsiklo.

Humingi na lang ito ng paumanhin sa pamilyang sakay ng SUV at sinabing aaregluhin na lang daw niya ang insidente.

Dinala muna sa Makati Traffic Bureau ang suspek at mga biktima para sa imbestigasyon.

Sasailalim naman sa sobriety test ang suspek na nahaharap sa reklamong reckless driving resulting to physical injuries.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.