Mga nagka-COVID kailangan pa rin magmonitor ng 2-3 buwan matapos gumaling

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nagka-COVID kailangan pa rin magmonitor ng 2-3 buwan matapos gumaling

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA - Kailangan pa ring mamonitor ang mga COVID-19 patients ng ilang buwan matapos gumaling para maiwasan ang muling pagsugod sa kanila sa mga ospital, ayon sa isang infectious disease expert nitong Biyernes.

“When you recover, you still have to monitor and follow-up with your doctors. You have to monitor yourself, 2 to 3 months after the infection, once you are recovered, you are still in that particular window na kailangan kang imonitor,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante, ang head ng San Lazaro Hospital Adult Infectious Diseases.

May ilang porsiyento umano ng mga pasyente ang may tinatawag na long COVID.

“This group of patients in particular ang na-damage nila is really the lungs. So when they were discharged hindi pa fully functional yung lungs nila,” paliwanag ni Solante sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Meron din aniyang mga pasyenteng tila magaling na ang bigla namang isusugod sa pagamutan dahil lumala ang pagkahingal o naging grabe ang kalagayan nila.

Ganito aniya ang naging obserbasyon nila sa mga pasyente lalo na ang mga naging severe at critical ang karamdaman, matagal ang inilagi sa ospital at gumamit ng oxygen.

“Most of the time, pag they are in the community, pag-uwi ng bahay they can be infected again, bacteria infection or naging severe ulit kalagayan nila because of comorbidities or any other conditions,” sabi niya.

- TeleRadyo 23 Abril 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.