Home > News Balut vendor na nagbigay ng noodles sa community pantry, hinangaan ABS-CBN News Posted at Apr 22 2021 10:28 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Mang Alberto lost his small canteen business because of the pandemic, so he resorted into selling goods around Quezon City from 8am up to 10pm. His daughter said he earns P300 on a lucky day. Still, he donated 3 packs of noodles to help others in need. @ABSCBNNews pic.twitter.com/LlgGOCXMNC — Jervis Manahan (@JervisManahan) April 22, 2021 MAYNILA - Naging inspirasyon sa mga taong patuloy na nagdo-donate sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City ang isang balut vendor na nagbigay ng tatlong pakete ng noodles para maipamahagi sa mga residenteng mas nangangailangan. Remember the cart vendor selling chicharon who despite his small income, still donated 3 packs of noodles at the pantry? We found him! He's Alberto Calanza, 52 y/o. "Tiningnan ko yung aking paninda, di ko pa naman kailangan, kaya nagbigay ako ng kusa sa loob ko." @ABSCBNNews pic.twitter.com/xLZychxOJ6 — Jervis Manahan (@JervisManahan) April 22, 2021 Nag-viral sa social media ang ginawa ng balut vendor na nakilalang si Alberto Calanza na dati ay may maliit na canteen na negosyo pero nawala dahil sa pandemya. "Wala ako plano na magbigay, pero habang lumalapit ako, may nagbubulong sa akin parang natuwa ako. Yun, bigla ko lang inabot sabay alis. Gusto ko sana parang bula lang ako na iaabot ko. 'Yun lang, tapos tuloy-tuloy ako sa hanap-buhay ko," sabi ni Calanza. Ikinatutuwa naman ng 52-anyos ang tuloy-tuloy na bayanihan sa Maginhawa Community Pantry kaya nang mapadaan sa lugar ay nagkusa na ring magbahagi ng kaniyang nakayanan. Mang Alberto said he didn't plan to donate noodles, but something inside him urged to help. "Wala ako plano na magbigay, pero habang lumalapit ako, may nagbubulong sakin. Tas yun bigla ko lang inabot sabay alis gusto ko parang bula lang ako na iaabot ko lang." @ABSCBNNews pic.twitter.com/5rMDImePjA — Jervis Manahan (@JervisManahan) April 22, 2021 Nananawagan naman ng konting tulong ang pamilya ni Calanza para magkaroon ito ng bagong cart na magagamit niya sa paglalako. Nais din nilang mapasuri sa doktor ang tainga ng ama na may problema na umano. - TeleRadyo 22 Abril 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Balut vendor, community pantry, Maginhawa Community Pantry, Alberto Calanza, TeleRadyo Read More: Balut vendor community pantry Maginhawa Community Pantry Alberto Calanza TeleRadyo