Occidental Mindoro, isinailalim sa state of calamity | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Occidental Mindoro, isinailalim sa state of calamity

ABS-CBN News
Published Apr 20, 2023 07:31 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA -- Isinailalim na sa state of calamity ang Occidental Mindoro dahil sa lumalalang krisis sa kuryente.

Higit isang buwan nang 4 na oras kada araw lamang may suplay ng kuryente--ibig sabihin, 20 oras na walang kuryente araw-araw sa lalawigan.

Ayon kay Vice Governor Diana Apigo Tayag, matindi na ang epekto ng blackout sa pag-aaral ng mga estudyante, kalusugan at kabuhayan ng mga taga-Occidental Mindoro.

Kaya idineklara na ang state of calamity para magamit ang calamity fund sa pagtugon sa power crisis.
Kaya idineklara na ang state of calamity para magamit ang calamity fund sa pagtugon sa power crisis.
ADVERTISEMENT
Isa sa mga gamit ng calamity fund ay ang pagbili ng krudo para may magamit na kuryente sa mga ospital.

Sumabay pa kasi ang power crisis sa napakatinding init ng panahon kaya marami na ang nagkakasakit.

“Sobra-sobra na ho. Sa tingin ko, naghihingalo na ang ekonomiya namin. Talagang bagsak na bagsak na, lugmok na lugmok na. Wala nang negosyong nabubuhay halos dito sa amin," ayon kay Tayag.

"Isang malaking kailangan ng lalawigan namin ay yelo. Ang dami naming produkto naming isda. Lahat ng yelo namin, nanggagaling pa sa iba’t ibang lugar," dagdag pa niya.

Ayon kay Celso Garcia, General Manager ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO), 12 megawatts lamang ang naisusuplay ng nag-iisa nilang power supplier na Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC).

Nasa 30 megawatts ang pangangailangan ng probinsya.

Ang puno’t dulo umano ng problema ay ang sinisingil na halos P1 bilyong subsidy ng OMCPC mula sa National Power Corporation (NAPOCOR) na sana ay maipambibili ng diesel para mapatakbo ng planta ng kuryente.

Ayon kay Garcia, binigyan na sila ng Department of Energy (DOE) ng exemption sa competitive selection process para agad na pumasok sa kontrata sa mga power supplier para sa 17 megawatts upang magkaroon ng dagdag na suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.

“Sa ngayon, nakipagkontrata rin kami kay ORMECO dahil mayroon din silang emergency power supply. Ang problema dito, tuwing off peak lamang namin ito puwede makuha," aniya.

"Yung off peak, yung oras na mababa na ang load, mayroon kaming puwdeng makuha na 4 megawatts hanggang 6 Megawatts. Kulang pa rin po yun. Mayroon pa rin po kami kinonkontrata ngayon na 5 megawatts sa Pulang Lupa o sa Barangay Central na 5 megawatts, at pinag-uusapan na po yung terms ng kontrata.”

Sumulat na si Gobernador Eduardo Gadiano kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para humingi ng tulong, kasabay ang pagpapaalala na noong nangampanya ang pangulo sa Occidental Mindoro ay isa ang problema sa kuryente sa kaniyang sosolusyonan.

--TeleRadyo, 20 April 2023
Read More:
state of calamity
ocidental mindoro
kuryete
electricity
power
supply
Diana Apigo Tayag
OMECO
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT