PatrolPH

Suspek sa Bilibid drug trade patay sa buy-bust sa Daet, Camarines Norte

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2022 06:36 AM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang umanong drug pusher matapos magtangkang makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Mancruz sa Daet, Camarines Norte.

Dakong ala una ng umaga nuong Sabado nang ikasa ng mga otoridad ang operasyon kung saan gumanap ang isang operatiba bilang poseur buyer matapos makakuha ng isang informant. 

Ayon sa PRO5, sangkot ang suspek sa illegal drug trade na ipinamahagi sa suspek mula sa source nito sa loob ng Bilibid Prison. Halos 2 taon kasi nakulong ang suspek dahil sa droga bago nakalaya noong 2019 sa pamamagitan ng isang plea bargaining agreement.

ABS-CBN News, April 19, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.