Grupo ng nurses nananawagan ng P50,000 entry salary | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grupo ng nurses nananawagan ng P50,000 entry salary

Grupo ng nurses nananawagan ng P50,000 entry salary

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 12, 2023 07:39 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATE) – Nanawagan ang isang grupo ng mga nars ng P50,000 na starting salary para sa kanilang hanay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

“Hindi nakakabuhay ang kanilang tinatanggap na sahod ngayon. Kung ito po ay nasa pribadong sector, nakapako yan matagal na sa P570 a day, or roughly po ay P12,540 a month,” ani Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar.

“Samantalang po sa gobyerno na bahagi ang ating mga public health nurses ay magsisimula dapat sa Salary Grade 15 o P36,610. Pero, ito po ay hindi nai-implement sa mas marami pang lugar lalo na po sa mga probinsya,” dagdag pa niya sa panayam ng TeleRadyo.

Paliwanag ni Abenojar, noong 2018 pa lang ay tinatayang nasa P32,000 na ang living wage para sa isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro, ayon sa IBON Foundation.

ADVERTISEMENT

“Limang taon na ang nakakaraan. Ang P32,000 na yan ay hindi na talaga sasapat,” aniya.

Aminado si Abenojar na sakop ang mga nars ng Salary Standardization Law na nagtataas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, kabilang na ang mga nurse na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital.

Pero aniya, tingi-tingi ang pagbibigay ng umento sa sahod sa ilalim ng nasabing batas.

“Kaya ngayon po yung halaga na yan, hindi na po sapat para doon sa cost of living natin sa kasalukuyan,” ani Abenojar.

May inihain na aniyang panukalang batas si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na layong gawing P50,000 ang starting salary ng mga nars.

ADVERTISEMENT

“Patuloy pong dumadami ang ating mga kasamahang nurses na na nagla-lobby po para sa karapatang ito,” aniya.

Nagmartsa rin ang FNU sa kahabaan ng Taft Avenue para muling mangalampag at manawagan na itaas ang sahod ng mga nurse.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Commission on Higher Education na tugunan ang kakulangan sa nurses.

Ayon kasi sa Department of Health, 350,000 nurses ang kailangan ngayon sa buong bansa para masiguro ang nararapat na nurse-to-patient ratio at maayos na pangangalaga sa mga pasyente.

Pero ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sahod ang puno't dulo ng problema kaya taas-sahod ang solusyon para mapigilan ang pag-alis ng mga nurse.

– May ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.