Bangkay ng 10 taong gulang na batang nalunod sa Pasig River, narekober na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng 10 taong gulang na batang nalunod sa Pasig River, narekober na

Bangkay ng 10 taong gulang na batang nalunod sa Pasig River, narekober na

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Natagpuan nitong Martes ang bangkay ng isang batang lalaki, isang araw matapos nitong malunod sa Pasig River sa bahagi ng Barangay 900 sa Punta, Maynila.

Nakita ng mga residente ang lumulutang na katawan ng 10-anyos sa streamline ng ilog at pinagtulungan nilang maiahon ito.

Kuwento ng tiyahin ng bata, hindi niya alam na nagtungo sa ilog ang kaniyang alaga kasama ang mga kalaro nito. Nabalitaan na lamang umano niyang nahulog ang paslit sa Pasig River noong Lunes.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard bago natagpuan ang katawan ng biktima.

ADVERTISEMENT

Nalunod ang isang 10-taong-gulang na lalaki sa Pasig River. Larawan mula sa Barangay 900, Punta, Manila
Nalunod ang isang 10-taong-gulang na lalaki sa Pasig River. Larawan mula sa Barangay 900, Punta, Manila

Ayon kay Barangay Kagawad Solomon San Pablo Jr., may ilang insidente na rin ng pagkalunod sa lugar pero hindi naman sila aniya nagkukulang sa paalala.

Batay sa datos ng pulisya, umabot sa 70 ang naitalang namatay sa pagkalunod nito lamang Semana Santa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.