Home > News Dating barangay tanod huli sa pagnanakaw sa Quezon City Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at Mar 29 2023 07:31 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Nilimas umano ng isang lalaki ang lahat ng benta ng isang tindahan sa Barangay Obrero, Quezon City. Nakita pa sa CCTV ng barangay kung paano tiniktikan ng suspek ang tindahan. Nang makumpirma nitong walang taong nagbabantay, saka ito naglabas-pasok sa tindahan. Nakita pa itong humingi ng isang plastic bag sa kapitbahay, na para pala limasin ang mga tig-P5 na kita ng tindahan. Agad namang naaresto ng barangay at QCPD Station 10 ang suspek na napag-alamang dati palang tanod ng barangay. Ayon sa biktima, nasibak ang suspek sa trabaho bilang tanod dahil nalulong sa ipinagbabawal na gamot. Bagamat umamin sa ginawang krimen, depensa naman ng suspek na P700 lamang ang kanyang ninakaw, na pambili umano sana ng pagkain ng mga anak. Napag-alaman naman ng mga awtoridad na nakulong na rin dati ang suspek sa kasong pagnanakaw at nasangkot na rin sa ilegal na droga. Nahaharap ito ngayon sa kasong theft at nasa kustodiya ng QCPD Station 10. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, TeleRadyo Read More: krimen crime metro Quezon City