30 residente sa compound sa Brgy Palanan sa Makati, nagpapalipat sa quarantine facility | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
30 residente sa compound sa Brgy Palanan sa Makati, nagpapalipat sa quarantine facility

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2021 09:22 AM PHT
|
Updated Mar 26, 2021 11:08 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Nananawagan na mailipat na sa quarantine facility ang 30 katao na nakatira sa isang compound sa Barangay Palanan sa Makati City.

May dalawang linggo na rin silang humaharap sa sakit at nag-aalala sa pagkalat nito sa kanilang bahay.

Dahil kulang sa kuwarto para sa isolation, nagtayo na sila ng dalawang camping tent sa kanilang garahe para matirahan ng dalawa nilang nakatatandang residente. Iisa lang din ang banyong ginagamit ng tatlo sa mga pamilya roon.

Ayon kay Lex Torregoza, isa sa mga residente, walo sa kanila ang nagpositibo na sa COVID-19 at karamihan sa kanila ay asymptomatic pero namatay noong Lunes dahil sa cardiac arrest ang kaniyang tiyahin na nagkaroon din ng impeksiyon. Nahirapan pa silang maiadmit siya sa ospital nang bumaba ang kaniyang oxygen noong nakaraang Biyernes dahil kung ‘di man puno, walang ospital ang tumatanggap hangga’t walang referral ng doktor.

ADVERTISEMENT
Wala umano silang natanggap na ayuda mula sa barangay o lokal na pamahalaan habang naka-quarantine at umaasa sa mga mapapakiusapang kaibigan para dalhan ng makakain.

Nagsariling gastos na rin sila para makapag-swab test agad sa pribadong kumpanya pero wala pang nagmomonitor sa kanilang pang araw-araw na lagay.

Biyernes ng madaling araw nang magtungo sa kanilang bahay ang Makati CIty Epidemiology Surveillance Unit (CESU) para ipa swab test ang natitirang hindi pa natetest na kasamahan nila.

Bukod sa kanilang compound, apektado rin ang mga residente ng isa nilang katabi bahay dahil hindi makalabas dahil kailangan pang dumaan sa kanilang compound.

Hiling nila na maibukod sila para mapa-disinfect ang kanilang lugar.

- TeleRadyo 26 Marso 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT