Lalaking nanloob ng tindahan gamit ang 'hair pin', tiklo sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nanloob ng tindahan gamit ang 'hair pin', tiklo sa Pasay

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Mar 24, 2021 07:18 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Wala pang 12 oras mula nang maganap ang krimen, naaresto na ng barangay at pulis ang isang 43-anyos na lalaki na tinuturong salarin sa panloloob ng tindahan sa palengke sa Bgy. 171, Malibay, Pasay City nitong Martes.

Nakilala sa kuha ng CCTV ang suspek na si “Danny” na napag-alamang residente rin ng barangay.

Nahuli ang suspek matapos makilala ng barangay sa CCTV footage ng panloloob bandang 1:45 ng madaling araw
(CCTV c/o Pasay City Police) pic.twitter.com/aoG8Hb4FS6
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 23, 2021

Kita sa video ang paglapit ng lalaki sa general merchandise store na nakahilera sa P. Santos Street bandang ala-1:45 ng madaling-araw. Pumasok siya sa loob ng 25 segundo at lumabas.

Kinaumagahan, nadiskubre ng may-ari ng tindahan na nabuksan ang padlock ng roll-up door nito. Nalimas ang nasa P14,000 na kita sa loob.

ADVERTISEMENT
Sabi ni “Danny”, sinubukan niyang buksan ang padlock gamit ang isang nabiling hair pin.

“Ngayon ko lang nagawa. Sinubukan ko lang kung umepekto,” sabi niya sa panayam.

“Pagkapasok ko ng pin, pag-ganyan ko, bumukas na agad.”

Wala umano siyang permanenteng trabaho kaya nagsi-sideline lang siya tulad ng pagpa-padyak at pagtrabaho sa construction.

Kinailangan niya umano ang pera para makatulong sa pang-ospital ng anak ng kanyang kumare na nagkasakit.
Kinailangan niya umano ang pera para makatulong sa pang-ospital ng anak ng kanyang kumare na nagkasakit.
ADVERTISEMENT
“Kapit sa patalim nga ho kaya ko nagawa ‘yon.”

Pero inamin niya na bumili rin siya ng P1,000 halaga ng droga mula sa ninakaw.

Tingin ng pulis, hindi basta natiyempuhan ng suspek ang tindahan. Sabi ni Police Lt. Gilmer Mariñas, commander ng Malibay substation, posibleng inunti-unti niya ang pagbukas ng padlock.

“Ilang beses niyang binalik-balikan ‘yon. E nakita niya ‘yon ang parte na may pinaka-vulnerable. Kaya iyon ang tinarget niya,” aniya.

Nabawi sa suspek ang P4,600 at nagbayad siya ng dagdag na P2,000. Humingi ng paumanhin ang suspek sa may-ari ng tindahan, na nagpalit na ng ginamit na padlock.

Pero tuloy pa rin ang pagsampa kay “Danny” ng kasong robbery.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga may negosyo na laging siguruhing maayos ang pagkakasara ng mga tindahan at protektahan ang sarili laban sa mga masasamang-loob.