'Wala nang paglalagyan': Amang Rodriguez Medical Center full capacity na rin ang COVID-19 admissions | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Wala nang paglalagyan': Amang Rodriguez Medical Center full capacity na rin ang COVID-19 admissions

'Wala nang paglalagyan': Amang Rodriguez Medical Center full capacity na rin ang COVID-19 admissions

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Halos puno na rin ang kapasidad ng Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City para sa mga pasyenteng may COVID-19.

“Mataas ngayon ang ating census. We have 76 admitted. 70 are confirmed at 6 na suspects, meron pa tayong naghihintay sa emergency room na 8 na naghihintay na iakyat natin sa COVID ward,” pahayag ni Dr. Imelda Mateo, medical center chief.

Ayon kay Mateo, ang kapasisdad nila para sa COVID-19 patient ay halos nasa 80 porsiyento na o kritikal na.

“Wala nang paglagyan sa ward namin, nasa ER po muna sila,” sabi niya sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Nag-activate na rin aniya ang One Hospital Command Center para makatawag sila sa ibang ospital na pwedeng paglipatan ng mga pasyente.

ADVERTISEMENT

“Pero nakakalungkot kasi as of last night may mga dalawa, tatlong referrals kahit po sa private hospitals na malapit sa aming ospital puno na rin po,” sabi niya.

Payo naman niya sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 na mag-isolate sa bahay at bantayan nang mabuti ang progression ng mga sintomas.

“Ayaw namin makipagsiksikan pa sila sa emergency room kaya kung may minor na maramdaman sa tingin nyo COVID positive kayo o na-confirm kayo, tawagan nyo mga doctor niyo, you go on hotline, yung access online para ma-advise po kayo kung anong tamang gawin. importante kasi na makuha natin sa early stage para hindi po dumating sa punto na kailangang i-ospital pa kayo o maging critical,” sabi niya.

Umabot naman na sa 76 porsiyento ang vaccination program sa kanilang ospital pero marami pa rin ang may alinlangan sa pagbabakuna kontra COVID-19.

“Almost 76 percent nabakunahan. Yun iba po kasi for some reasons hindi sila pwede at yung iba kahit anong pilit ay ayaw pong magpabakuna. Di natin alam kung bakit sana po ma-convince, sila po yung frontliners,” banggit niya.

ADVERTISEMENT

Mahirap aniyang pilitin ang mga health workers na magpabakuna lalo’t voluntary ang programa.

“Sana po ma-realize din nila na talagang kailangan nilang bakunahan. Natatakot yung iba. Yung iba po naghihntay pa ng ibang brand. Nakakalungkot nga po kasi may mga nurses na frontliners na nag-rerefuse pa rin. Di natin alam kung paanong paliwanag ang gagawin natin sa kanila, na yung risk of getting sick mas catastrophic po yun kung kayo ay tamaan ng severe o critical na COVID,” sabi niya.

Sa huli, hiling ng doktor sa publiko na manatili na lamang sa bahay kung wala namang importanteng gagawin para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

- TeleRadyo 23 Marso 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.