Anunsiyong bawas-pasahe ng gobyerno nagdulot ng kalituhan: grupo | ABS-CBN
News
Anunsiyong bawas-pasahe ng gobyerno nagdulot ng kalituhan: grupo

ABS-CBN News
Published Mar 18, 2023 09:32 AM PHT
|
Updated Mar 18, 2023 09:40 AM PHT
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nagkakaroon ngayon ng kalituhan sa mga drayber at biyahero ang anunsiyong bawas-pasahe ng gobyerno sa iba-ibang pampublikong sasakyan, sabi ni Manibela national president Mar Valbuena ngayong Sabado.

Apela niya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, sana pinag-aralan ang bagong panuntunan at hindi muna ito inilabas hangga't naging malinaw na ang mechanics.

Sabi ni Valbuena, ang mga miyembrong "consolidated" na o iyong nasa ilalim na ng kooperatiba ang makatatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno para makapagpatupad ng bawas-pasahe.

Pero mahirap aniya itong ipaliwanag sa mga pasahero dahil wala pang mechanics.

ADVERTISEMENT
Nag-aalala rin aniya ang ilang drayber na ibaba ang pasahe pero wala silang matatanggap na subsidiya.

"Ang mahirap dito, papano 'yung halimbawa doon sa ruta, hindi po makakasama doon sa diskuwento, eh wala pong sasakay doon sa kalahati na hindi makaka-avail ng subsidy," ani Valbuena sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo.

"So may tumatakbong may diskuwento, may tumatakbo na walang diskuwento. Kawawa naman po 'yung di makaka-avail, wala na pong sasakay dito," dagdag niya.

Nitong Huwebes, inanunsiyo ng gobyerno na magkakaroon ng fare discount sa public utility vehicles sa ilang piling ruta sa Metro Manila: balik P9 anila ang minimum na pasahe sa tradisyonal na jeep, P11 sa modernized jeepney, at P3 hanggang P4 sa bus.

Pero nitong Biyernes, sinabi ng LTFRB na hindi pa ito makapagbigay ng takdang petsa kung kailan ipatutupad ang planong diskuwento sa pasahe habang hinihintay pa nila ang P1.2 bilyon na pondo para sa programa.

—TeleRadyo, Marso 18, 2023
Read More:
Mar Valbuena
Manibela
fare discount
bawas pasahe jeepney
jeep discount
minimum pasahe
LTFRB
bagong minimum pasahe
bawas pasahe
public transport
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT