PatrolPH

Batang lalaki hinalay sa likod ng mall

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2022 08:53 AM

Watch more News on iWantTFC

Timbog ang isang 22-anyos na lalaki matapos manghalay ng isang pitong taong gulang na lalaki sa likod ng isang mall sa Maynila.

Batay sa paunang ulat ng Manila Police District, nagkasa ng operation ang Moriones police matapos kumalat ang video sa social media kung saan nahuli sa akto ang ginagawang panghahalay ng suspek.

Napag-alaman na ang biktima ay anak pa mismo ng kinakasama ng suspek.

Dating tricycle driver ang suspek, pero namamalimos ngayon matapos masira ang kaniyang tricycle. Aminado ang suspek sa nagawang krimen at sinabing lulong siya sa droga kaya niya iyong nagawa. Hindi pa nakakausap ng media ang nanay ng biktima. 

Nasa kustodiya na ng DSWD ang menor de edad kung saang isasailalim siya sa counseling. Mahaharap sa kasong rape ang suspek.


ABS-CBN News, March 18, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.