Ilang kawani mapipilitang maglakad dahil sa enhanced quarantine - MMMC

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 01:31 PM

Watch more News on iWantTFC

May mga manggagawa umano ang talagang mapipilitang maglakad dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon. Sa panayam ng DZMM kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Mayors Council (MMMC), suspendido na kasi ang mass public transport kaya may mga empleyado ang talagang mapipilitang maglakad papasok sa trabaho. 

"'Yon po, maglalakad po talaga. Opo, maglalakad po talaga. Ang mangyayari po talaga, sakripisyo po para sa lahat para po ma-contain natin itong virus. Talaga pong sakripisyo. Hopefully, with God's grace, matapos po ito in less than a week o 2 weeks po," ani Olivarez. - Headline Pilipinas, Martes, 17 Marso, 2020