Comelec ayaw umanong magbigay ng proof of transmission sa nakaraang halalan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec ayaw umanong magbigay ng proof of transmission sa nakaraang halalan

Comelec ayaw umanong magbigay ng proof of transmission sa nakaraang halalan

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Nanahimik at ayaw umano maglabas ng proof of transmission ang Commission on Elections sa nakaraang halalan, ayon sa isang dating military official.

Ayon kay retired Col. Leonardo Odono na isang concerned citizen, nagkaroon siya ng pagdududa sa proseso noong May 2022 elections dahil sa pagtransmit ng Comelec ng 20 milyong boto sa loob ng isang oras.

Ani Odono, imposible ito kaya siya humingi ng proof of transmission sa Comelec. Ngunit, hindi umano siya sinasagot ng komisyon o si Comelec chair George Garcia.

Aniya, may "conspiracy of silence" ang Comelec at dapat ito malaman ng publiko.

ADVERTISEMENT

Giit ni Odono, obligasyon ng gobyerno na sumagot sa petisyon sa loob ng 15 araw. Aniya, kung mayroon nangyaring kalaking dayaan, dapat mag-declare ng failure of election, at kung may nagkamali ay dapat parusahan.

Ayon naman kay Garcia, hindi sa kaniya ibinigay ang petisyon ni Odono at dapat sa tamang tao ibinigay. Hindi umano naipadala sa tamang opisina ang request kaya hindi naibigay ang tamang dokumento.

Pero aniya, walang naging problema ang nakaraang halalan. Hinahanap umano ng komisyon ang naging basehan ng petisyon ni Odono.

Dagdag niya, may transparency server na pinanggagalingan mula PPCRV at NAMFREL na makakapagsuporta sa integridad ng halalan. - SRO, TeleRadyo, Marso 14, 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.