Home > News P1.3-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Novaliches ABS-CBN News Posted at Mar 12 2021 07:37 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Nasabat ng mga pulis ang nasa P1.3-milyong halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City Huwebes ng gabi. Balik-kulungan naman ang 2 lalaki na nahuli ng Quezon City Police District Station 4 sa operasyon alas-10:30 ng gabi. Target ng operasyon si alyas "Bunso," 31 anyos, na nasa watch list ng Barangay Gulod. Dati nang nakulong noong 2009 ang suspek dahil sa paggamit at pagtutulak ng droga. Kasama niyang naaresto si alyas "Waldo," 57 anyos, na residente rin sa lugar. Dalawang beses na rin siyang nakulong dahil din sa pagdodroga. Gamit ang P50,000 boodle money ay nakipagtransaksiyon ang mga pulis sa 2 lalaki. Nang magpositibo, inaresto ang mga lalaki kung saan nakuhanan sila ng 200 gramo ng hinihinalang shabu. May halaga itong P1,360,000. Muling mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 2 lalaki. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Teleradyo, Sakto, Tagalog news, crime, drugs, droga, shabu, Novaliches, Quezon City, buy-bust operation Read More: Teleradyo Sakto Tagalog news crime drugs droga shabu Novaliches Quezon City buy-bust operation