Mga lugar sa ilalim ng state of calamity, nadagdagan pa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga lugar sa ilalim ng state of calamity, nadagdagan pa

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2023 06:30 AM PHT
|
Updated Mar 07, 2023 06:40 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bukod sa buong bayan ng Pola, na nauna nang inilagay sa state of calamity, nagdeklara na rin ng state of calamity ang Oriental Mindoro provincial government sa 76 na coastal barangays mula sa siyam na bayan.

Ang mga coastal barangay na ito ay ang apektado ng oil spill mula sa mga bayan ng Naujan, Pola, Gloria, Pinamalayan, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Puspusan na rin ang paglilinis sa baybaying dagat na tinamaan ng langis.

Sa barangay Buhay na Tubig sa Pola, tumutulong sa Philippine Coast Guard ang mga residente na maglinis.

ADVERTISEMENT
Sila ang mga residente na dati ay sa dagat umaasa ng kabuhayan pero dahil sa oil spill nawalan sila ng pagkakakitaan kaya nagdesisyon sila na magboluntaryong maglinis para maisalba pa ang dagat na kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay.

“Sana po sa madaling panahon ito ay agarang makuha agad dahil talagang kabuhayan namin ang naperwisyo talaga," ani Maribel Famadico, isang volunteer.

Hinahatiran na ng relief goods ng DSWD ang mga residente pero dahil sa halos isang linggo nang hindi sila makapaghanapbuhay, dumaan sila sa training at pumasa sa medical check-up ng municipal health office.

Simula nang mangyari ang oil spill, dumadaing na ang mga residente dahil sa pagkawala ng kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

Sinabi naman ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor na inilalatag na ang compensation guidelines ng may-ari ng MV Princess Empress para sa mga lahat ng naapektuhan ng oil spill.

"Kasama dito ang compensation na maapektuhan sa pagkakasakit na ginagastosan ngayon ng panlalawigan, we will reimburse lahat ng ginagastos ng pamahalaan sa oil spill -elated problema," aniya.

Dumating nitong Lunes sa Oriental Mindoro si Civil Defense Usec. Ariel nepomuceno at inalam pa ang mga pangangailangan ng mga bayan na apektado ng oil spill.