'Ano gagawin namin diyan?': Mga OFW sa Ukraine ayaw umuwi sa Pilipinas dahil sa takot na magutom | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Ano gagawin namin diyan?': Mga OFW sa Ukraine ayaw umuwi sa Pilipinas dahil sa takot na magutom

'Ano gagawin namin diyan?': Mga OFW sa Ukraine ayaw umuwi sa Pilipinas dahil sa takot na magutom

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kahit naapektuhan na sila ng matinding bakbakan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ayaw pa rin umuwi sa Pilipinas ng ilang mga OFW dahil sa takot na wala silang maipakain sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay Regine, isang single mom na OFW sa Ukraine, baon pa rin siya sa utang dahil sa kaniyang paglalakbay para makapagtrabaho sa naturang bansa kaya hindi muna siya uuwi.

Aniya, mayroon pa rin siyang trabaho sa Ukraine kung matatapos ang giyera pero kung uuwi siya sa Pilipinas, baka magutom lang siya at ang kaniyang pamilya.

Ayon naman sa kasama niyang OFW na si Noyle, may mga pangangailangan ang kaniyang pamilya sa Pilipinas at marami pa silang bayarin kaya hindi muna siya babalik sa bansa.

ADVERTISEMENT

Ang OFW na si Joy Tolentino naman, wala siyang balak umuwi dahil pinoprotektahan siya ng amo niya habang binobomba ang Ukraine.

Ayon sa tatlo, ligtas naman sila at nakikipag-usap sa mga pamilya nila. — SRO, TeleRadyo, Marso 1, 2022

Read More:

OFW

|

Ukraine

|

Russia

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad