Mga drayber, problemado pa rin sa PUV modernization | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga drayber, problemado pa rin sa PUV modernization

ABS-CBN News
Published Feb 24, 2023 03:38 PM PHT
|
Updated Feb 24, 2023 06:06 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Naiiklian pa rin ang mga operator ng mga pampasaherong sasakyan sa palugit na June 30 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makasali sa kooperatiba bilang pagsunod sa modernization program ng pamahalaan.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Manibela national president Mar Valbuena na maraming requirements at malaking gastos ang kakailanganin sa jeepney modernization kaya hindi dapat ura-urada.

Sa pagtataya ni Valbuena, nasa 25,000 hanggang 30,000 jeep at 4,000 UV Express ang matatanggal sa mga kalsada sa Metro Manila kung masusunod ang deadline ng LTFRB.

Iginiit naman ng grupong PISTON na hindi pa rin kakayanin ang modernisasyon kahit pa ginawang June 30 ang deadline nito.

Ayon kay PISTON national president Mody Floranda, hindi biro ang mag-modernize ng jeep, lalo't hindi naman kayang bumili ng mga tsuper at operator ng unit ng modern jeep.

Hindi rin pwedeng makautang sa bangko, dahil kailangang bumuo muna ng mga kooperatiba, na para sa kanila ay pagmomonopolyo lang sa hanay ng public transport.

Ani Floranda, imbes na isulong ang modernisasyon, mas maiging ayusin muna ang mga traditional jeep. tulad ng dati nang ginagawa.